^

Metro

‘Bad eggs’ sa LTO, kakalusin--Galvante

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante ang mga tauhan na tatanggalin sa serbisyo ang mga tinaguriang ‘bad eggs’ sa ahensiya na sangkot sa katiwalian.

Kasabay nito, inatasan ni Galvante ang lahat ng opisyal ng LTO nationwide na magpatupad ng kaukulang hakbang para tukuyin, imbestigahan at sibakin sa puwesto ang mga korap na tauhan.

Pinagsusumite din nito ng accomplishment report ang lahat ng regional directors, district o extension officer, service chief o division head  bago sumapit ang  August 31, 2016 at sa tuwing katapusan ng buwan upang malaman kung naging maayos na naserbisyuhan ang publiko ng walang hinihinging kapalit.

Aminado si Galvante na kilala ang LTO bilang isang korap na ahensiya sa pamahalaan kayat ginagawa nila ang lahat upang mawalis ang katiwalian sa ahensiya.

Anya, kailangang magtulung-tulong ang lahat upang maging maayos ang pagseserbisyo ng LTO sa publiko.

Ang hakbang ay ginawa ni Galvante nang sabihin kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na talamak pa rin ang katiwalian sa LTO hanggang sa ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with