^

Metro

16-anyos na ‘tulak’, itinumba ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang menor-de-edad na sinasabing ‘‘tulak’’ ng droga sa kanilang lugar ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in tandem sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Jose, 16.

Ang pamamaril ay naganap dakong alas-9:45 ng gabi sa loob ng taha­nan ng biktima habang nanonood ito ng TV.

Ayon sa report, dala-wang lalaki na magkaang­kas sa motorsiklo na kapwa naka-bonnet ang pumara-da sa harap ng bahay ng biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Nagtamo ang biktima ng walong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

Nagsasagawa pa nga-yon ng masusing imbes-tigasyon ang mga tauhan ng Pasig police para matukoy at maaresto ang dalawang salarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with