^

Metro

65 kaso ng death under investigation, pinabubusisi sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinag-utos kaha­pon ng pamunuan ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City Police na paigtingin ang isinasagawang imbestigasyon upang maresolba ang talamak na vigilante killings sa lungsod na uma­bot na sa 65 insi­dente mula nitong Hulyo.

Pinagpapaliwanag   rin ni NPD Director, Senior Supt. Roberto Fajar­do si Caloocan Police chief, Senior Supt. Johnson Almazan kung bakit wala pa sa mga kaso ng “death under inquiry” ang nareresolba hanggang ngayon.

Ang kautusan ay ginawa makaraang maging viral sa mga social networ-king sites ang lantarang pagpatay ng nasa 5-10 lalaki na nakasuot ng helmet sa tricycle driver na si Michael Young, alyas Akong, sa may Heroes Del 96, Brgy. 73, nitong Agosto 22 ng gabi.

Matapos barilin ng unang lalaki, dalawang lalaki pa ang magkasunod na lumapit sa naka­bulagta nang biktima at muling pinagbabaril para matiyak na patay na ito.  Pinayuko naman ng ibang kasamahan ang iba pang tricycle driver na tila nanonood lang ng eksena sa pelikula ng naturang oras. Dalawang plastic sachet na nag­lalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska malapit sa bangkay.

Dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi, isa pang tricycle driver ang napatay ng mga hindi nakilalang salarin. Nakilala ang biktima na si Aries Verances, alyas “Pipoy”, 29-anyos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with