^

Metro

2 pinabulagta ng tandem sa Pasig

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang hinihinalang drug pusher ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikila-lang riding-in-tandem sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang unang insidente ay naganap dakong alas-8:30 ng gabi sa Stella Mariz St., Brgy. Maybunga, Pasig City kung saan ang napatay  ay nakilala lamang sa alyas na ‘Bimbo’. Ayon sa report, naglalakad si Bimbo sa Stella Mariz St., noong dumating ang dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklo na walang plaka at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Nagawa pang maisugod sa Pasig City Medical Center ang biktima pero hindi na umabot ng buhay dahil sa dalawang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan.

Ang ikalawang insidente ay naganap dakong alas-10:15 ng gabi sa  Magsaysay St., Barangay Manggahan sa lungsod at ang biktima ay nakilala lamang sa pangalang ‘Marlon’. Sinasabing kapwa nakasuot ng bonnet ang dalawang salarin  kaya hindi namukhaan ng mga nakasaksi sa insidente.

Ang dalawang napatay ay sinasabing ‘tulak’ ng droga sa kanilang lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with