^

Metro

Nakonsensiya! Killer ng nurse, sumuko

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makalipas ang halos limang araw na pagha-ha­nap, hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa brutal na pagpaslang sa isang nurse ng St. Lukes Medical Center sa lungsod, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ni QCPD Acting District Director P/Senior Supt. Guillermo L. Eleazar, ang suspek na si Jeffrey Guarin, 22, walang trabaho ng Doña Juana St., Brgy. Kristong Hari  sa lungsod.

Ayon kay Eleazar, si Guarin ay kusang sumuko sa awtoridad matapos na makunsensya sa gina­wang pagpatay sa biktimang si September Ann Paz, 24, dalaga, sa inuupahan nitong kuwarto sa F3 Doña Juana, E. Rodriguez St. Brgy.  Kristong Hari, noong nakaraang linggo.

Sabi naman ni P/Supt. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Invsetigation and Detection Unit (CIDU), inamin ni Guarin na lulong siya sa ipinagbabawal na droga kung kaya hindi umano nito batid ang kanyang ginawa nang pagsasaksakin ng 19 na beses ang biktima matapos itong manlaban  sa kanya.

Positibo din anila sa iligal na droga ang suspek base sa resulta sa ginawang drug test dito. Malaki rin anya ang ebidensyang magtutukoy sa suspek sa krimen dahil sa nakuhang duguang dalawang short pants nito na siyang suot nang mangyari ang krimen.

Nabatid din sa mga opisyal na si Guarin ay dati nang nagpasailalim sa ‘Oplan Tokhang’ kung saan isinuko nito ang kanyang sarili noong nakaraang buwan.

Matatandaang si Paz ay nadiskubreng walang buhay noong Sabado Agosto 20, dakong alas 6:15  ng umaga, sa loob ng kanyang kuwarto na nasa ikalawang inuupahang bahay, habang walang buhay at nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama at tadtad ng tama ng saksak sa buong katawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with