^

Metro

Street crime nabawasan dahil sa drug war

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa patuloy na kampanya ng pulisya laban sa droga partikular ng Eastern Police District (EPD) ay unti-unti na ring nawawala ang theft at robbery sa lansangan.

Ayon kay EPD director Chief Supt. Romulo Sapi­tula, dati halos araw-araw ay may naitatala silang 10 hanggang 15 insidente ng theft at robbery na nagaganap sa nasa­sa­kupan ng EPD pero ngayon ay mangilan-ngilan na lamang.

Sinabi ni Sapitula, ma­ging ang insidente ng akyat-bahay, kidnap for ransom at iba pang kauri ng kriminalidad ay halos wala ng naitatalang nangyayari sa bayan ng San Juan, Mandaluyong, Pasig at Marikina City.

Wala na ring insidente ng ‘Dugo-dugo gang’ at ‘Laglag barya’ mula ng pasimulan ang mainit na kampanya laban sa droga.

Ani Sapitula, lumaganap dati ang insi­dente ng pagnanakaw dahil kailangan na mangholdap ang isang individual para may pambili ng droga.

“Sa ngayon ay dramatically decrease ta­laga ang mga insidente ng theft, robbery at iba pang insidente ng kriminalidad” ani Sapitula.

Inihayag pa ni Sapitula na magpapatuloy­ ang kanilang kampanya na “Oplan Tokhang” at “Oplan Double Barrel,” sa lahat ng pusher at user ng droga sa nasasakupan ng EPD. 

Nananawagan si Sapitula sa mga magulang na may-anak na user o pusher ng droga na isuko na lamang sa mga awtoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with