^

Metro

Janitor nakuryente sa footbridge

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang janitor ang iniulat na nasawi makaraan umanong aksidenteng makuryente sa footbridge malapit sa isang mall sa Quezon City.

Sa ulat nakilala ang biktima na si Arnel Adapon, 25, ng Block-6, Lot 3, Lemencia Village, Brgy. Bagbag Quezon City ay nagawa pang maitakbo sa ospital, subalit hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Nangyari ang insidente sa may footbridge na kumukonekta sa dalawang mall sa Edsa na matatagpuan sa kahabaan ng North Avenue, Brgy. Pagasa, dakong-alas 8 kamakalawa ng umaga.

Ayon sa isang kasama ng biktima, naglilinis silang da­lawa ng biktima sa rooftop ng footbridge nang marinig niya ang isang pagsabog. Matapos nito, nakita na lang niya ang biktima na nakaluhod at nakuryente sa lugar.

Sa takot na madamay, agad na kinalas ng kasama nito ang kanyang harness para sa kanyang kaligtasan saka humingi ng ayuda. Agad namang rumisponde ang ambulansya ng Bureau of Fire Protection (BFP) at itinakbo ang biktima sa Quezon City General Hospital, subalit idineklara din itong dead on arrival dahil sa tinamong pagkasunog sa kanyang katawan.

Sa ocular inspection sa pinangyarihan ng insidente, napansin ang isang service wire ng isang street light ay may contact sa bubungan ng footbridge.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with