^

Metro

5 utas sa Camanava area

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima katao ang panibagong naitalang nasawi ng Northern Police District (NPD) sa magkakasunod na insidente ng pamamaril sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, at Valenzue­la nitong nakalipas na weekend.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-5:30 kahapon ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na may edad 25-30 anyos, at nakasuot ng itim na t-shirt at short pants sa may Zapote Street kanto ng De Jesus Street, Brgy. 141, ng naturang lungsod. May tama ng bala sa katawan ang biktima, nakagapos ng kable ang mga kamay at may placard sa ibabaw na nakasaad na: “Holdaper ako.”

Dakong alas-2:15 ka­makalawa ng mada-ling araw naman nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin si Armel Matias Ama, 39, sa may Phase 7A Brgy. 176 Bagong Silang, habang dakong alas-10:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay na may tama ng bala sa ulo ng barangay kagawad na si Delion Banisil sa may Sta. Rita, Brgy. 188 Tala.Nabatid na kabilang sa drug watch list ng Police Community Precinct 4   si Banisil.

Sa Valenzuela City, dakong alas-8:15 kamakalawa ng gabi nang pagbabarilin at mapatay ng dalawang salarin lulan ng motorsiklo si Simon Aaron Alvero, 29, ng No. 4373 L. Bernardino St., Brgy. Gen. T. De Leon habang sa Malabon City, binaril rin at napatay ng hindi pa nakikilalang gunman si Rodolfo Dela Cruz, 42, sa may Javier 2 Brgy. Baritan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with