^

Metro

4 na ‘tulak’ bulagta sa ‘Oplan Tokhang’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na namang  hinihi­nalang drug pushers ang nasawi habang isa pa ang su­ga­­­tan sa pakikipag-eng­kuwentro sa mga operatiba ng Quezon City Police sa isinagawang ‘Oplan Tokhang’ sa Brgy. Batasan Hills  sa lungsod kamaka-la­wa.

Sa ulat ng QCPD-Criminal Investiga- tion and Detection Unit (CIDU), nakilala ang mga nasawi na sina Raffy Gabo, 23; Anthony Comendo, 36; Marcelo Daa Jr., 31; at isang alyas Jess, nasa pagitan ng edad na 24-25.

Sugatan naman ang isa sa mga suspek na si Efren Morillo, 28, na nakaratay ngayon sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa ulat, may-hawak ng kaso, naka­engkwentro ng mga suspek ang tropa ng QCPD Batasan Police Station-6 sa pamumuno ni P/Senior Insp. Emil Garcia at apat pang personnel nito.

Nangyari ang insidente sa may Group 9, Payatas B, Bara­ngay Bagong Silangan, QC, dakong alas-4:00 ng hapon.

Bago ito, nagsagawa umano ang tropa ng pulisya ng ‘‘Oplan Tokhang’’ laban sa mga drug personalities, partikular sa bahay ni Daa Jr., sa Group 9. Paya-tas B, Brgy. Bagong Si­la­ngan, QC,

Diumano, nang ma­kita nina Gabo, Comendo, Jess at Mo­rillo ang presensya ng mga operatiba na tiyempo namang nasa natu-rang lugar din ni Daa ay biglang nagbunot umano ng kanilang mga baril ang mga ito at pinaputukan ang mga awtoridad.

Gumanti naman ng putok ang mga ope­ratiba sanhi upang masawi sina Gabo, Comendo, Daa, at Jess. Habang nagawang makatakas naman ni Morillo at humingi ng tulong sa isang ospital sa Montalban Rizal kung saan siya inaresto at ipinagamot sa EAMC.

Sa pagsisiyasat, da­lawang kalibre .45 at dalawang kalibre .38 baril, mga shabu at pa- ra­phernalia sa pagga- mit ng iligal na droga ang nakita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with