^

Metro

83 traffic enforcers ng ­MAPSA, umapila kay Pres. Digong

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapila kahapon kay Pangulong Rodrigo R. Duterte ang may 83 traffic enforcers ng Public Safety Department (PSD) o dating Makati Public  Safety Assistance (MAPSA) hinggil sa hindi umanong makatarungang pagsibak sa kanila ng pamahalaang lungsod ng Makati.

Nagsadya ang mga traffic enforcers sa  Presidential Management Staff bitbit ang sulat na apila at para pormal na maihain ang kanilang hinaing kay Pangulong  Duterte.

Ayon sa tagapagsalita ng grupo na  Leonardo Terrinal, Traffic Aide III,  na may 11-taon nang naninilbihan sa MAPSA, walang malinaw at balidong dahilan para sila sibakin sa puwesto dahil maayos naman nilang ginagampanan ang tungkulin bilang tagapangasiwa ng trapiko sa Makati.

“Nakalulungkot isipin na kaming maliliit na em­pleyado ay nadadawit sa sigalot ng pulitika sa lungsod. Natural po sa tulad namin na tumalima sa kung sino ang namumuno sa Makati, sa tawag ng tungkulin. Marami sa amin ang nakapagsilbi na mula sa panahon pa ni Dra. Elenita, dating Bise Presidente Jojo at Mayor Junjun Binay, pero nakapagtatakang ngayon lang kami sinibak sa trabaho ngayong pumasok na si Mayor Abby na tanging paliwanag ay Endo o End of Contract,” sabi ni Terrinal.

Nagpasyang humingi ng tulong ang grupo dahil sa karamihan sa kanila ay may pamilyang itinataguyod at pinag-aaral na anak.

Nakakuha naman ng simpatiya ang grupo makaraang harapin at abisuhan ni Presidential Management Staff head, Undersecretary Christopher ‘Bong’ Go na kanyang isasangguni sa Department of Labor and Employment ang kaso nila para sa kapanatagan ng lahat na inalisan ng trabaho. May isang linggong taning na ibinigay si Usec Go sa DOLE upang himayin at pag-aralan kung paanong kongkretong matutulungan ang 83 MAPSA enforcers na mabigyang linaw ang kanilang kinahantungan.

Sinabi pa ni Terrinal na lahat sa kanilang grupo ay may malinis na record at kailanman ay hindi nasangkot sa anumang kasong aministratibo, gaya ng pagmamalabis sa trabaho o panggigipit sa motorista.

Anila, dapat isantabi ng kasalukuyang liderato ang pamumulitika dahil nagtatrabaho sila ng maayos at naaayon sa itinatadhana ng batas.

Nabatid, na sinibak umano ng kasalukuyang pamunuan ang 83 traffic enforcers dahil hindi umano  kaalyado  ang mga ito sa politika.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with