^

Metro

Caloocan Death Squad muling sumalakay: 4 tumba

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muli namang umatake ang sinasabing vigilante group na tinatawag na ‘Caloocan Death Squad’ (CDS) makaraang apat na kalalakihan na sangkot sa droga ang pinagbabaril at napatay sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan City, na  iniulat  kahapon.

Sa report ng Caloocan City Police, nabatid na si Michael Tayao, 31, ng Brgy. 54 ay kasalukuyang natutulog sa loob ng kanilang bahay kasama ng live-in partner nitong si Ella Reane Pangilinan nang bigla na lamang pasukin ng tatlong hindi kilalang salarin na nakasuot ng bonnet bandang  alas-3:00 ng mada­ling araw at pagbabarilin na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Sinasabing ‘tulak’ ng droga si Tayao.

Alas-2:15 naman ng madaling araw nang pagbabarilin ng dalawang nakasuot din na bonnet si Marciano Jurok, 41, ng M. Hizon St., Brgy. 63 habang naglalaro ito ng bingo malapit sa kanyang bahay.

Bandang alas-12:20 naman ng madaling araw habang nakatambay sina Jonathan Jervoso, 21; Jervy Sta. Maria, 25 at Dexter Perigel, 20 sa harapan ng Joslyn Store na matatagpuan sa Doña Ana Subdivision, Brgy. 175, Camarin nang dumating ang dalawang suspect  na lulan ng isang motorsiklo.

Agad na binunot ng angkas ang dalang kalibre .45 baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima na agad na kinasawi nina Jervoso at Sta. Maria habang nasugatan naman sa mukha at hita si Perigel.

 Ayon kay PO3 Ryan Rodriguez ng North Extension Office ng Caloocan City Police, kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan ang sinabi ng ilang bystander na sangkot sa pagtutulak ng droga ang mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with