^

Metro

Huwag ninyo akong tularan - Tanto

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Sa lahat ng mga motorista, maging mahinahon po tayo. Huwag po ninyo akong pamarisan!”

Ito ang tila pag-amin ng pagkakama­ling tinuran sa isang television interview ni Vhon  Martin Tanto, isang dating Army reservist na nakapatay  sa siklistang si  Mark Vincent Garalde matapos ang alitan sa trapiko sa Quiapo, Maynila noong Hulyo 25 ng gabi.

Habang bumibiyahe kahapon ng umaga patungong Manila Police District, inamin ni Tanto na nagdilim umano ang kaniyang isip dahil arogante si Garalde kaya nabaril niya ito matapos siyang i-headlock at matalo sa suntukan.

 Ang suspect ay natukoy matapos itong makunan sa CCTV footage habang pinagbabaril si Garalde nang makailang ulit nang gabing maganap ang krimen.

 ‘Wala po akong intensyon. Nagdilim lang talaga ang paningin ko,’’ ani Tanto na bakas pa rin sa isang mata ang black eye bunga ng tinamo nitong matinding suntok mula sa siklistang si Garalde na higit na matangkad kaysa kaniya.

 Nitong Sabado dakong alas-7 ng uma­ga, pormal ng nai-turnover ng Masbate Police na ineskortan din ng Philippine Army si Tanto sa himpilan ng Manila Police District kaugnay ng kinakaharap nitong kasong kriminal.

Kaugnay nito, umapela naman si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director  Oscar Albayalde sa mga motorista na pairalin ang hinahon at pasensya sa tuwing lumalabas ng bahay at bumibiyahe sa mga lansangan.

“People who could not control their anger should not own a gun, much more carry one. Motorists should exercise extreme patience and avoid minor traffic altercations or settle road accidents in a peaceful way”, ang sabi pa ng opisyal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with