^

Metro

Tanto isinalang na sa inquest proceedings

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinalang na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) ang road rage suspek  na si Vhon Martin Tanto  na nakapatay  sa biker na si Mark Vincent Garalde sa Quiapo, Maynila noong Hulyo 25.

Kasunod ito ng pagturn-over kay Tanto ni  P/ Chief Supt. Melvin Ramon Buenafe, PRO 5 Regional Director, kay Manila Police District (MPD) Acting Director P/Senior Supt. Joel Napoleon Coronel para sa pagsasampa ng reklamong murder at frustrated murder.

Alas-7:30 ng umaga nang idaos ng press conference sa MPD na dinaluhan mismo ni PNP chief, Director Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Chief Supt. Oscar Albayalde, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta.

Dumating ang convoy na may dala kay Tanto sa MPD alas- 6:40 ng umaga na nagmula pa sa Bicol.

Sa naging pahayag ni PNP chief Dela Rosa, una niyang pinasalamatan ang pagtutulungan ng publiko at media maging ang netizens at local government units (LGUs) sa naging matagumpay at mabilis na pagkadakip at pagresolba sa kaso ni Garalde.

Hinikayat ni Dela Rosa ang LGUs na maglagay ng closed circuit  television (CCTV) sa kanilang mga lugar dahil  sa kasong ito ay patunay, aniya na ang CCTV ang basehan kung kaya mabilis na naresolba ang kaso.

Nagbiro pa si Dela Rosa nang iharap sa kaniya si Tanto na may black eye, na kaniyang tuturuan ng pagboboksing.

“Tuturuan kita magboksing, di ba natalo ka nagsuntukan kayo,” ani Bato subalit may pasu­bali na dapat matuto ito ng deep breathing  na pantanggal ng init ng  ulo at mag-isip muna bago magdesisyon na gumamit ng baril.

Nilinaw naman kahapon ni Coronel na si Tanto ay inaresto at hindi sumuko.

Wala naman umanong napatunayang may nagtago o nagsabwatan para itago sa batas si Tanto.

Balido at legal umano ang naging aksiyon ng pag-aresto kay Tanto dahil ang hot pursuit operation ay hindi naman nalilimit lamang sa 72 oras o 3 araw matapos ang insidente ng pagpatay.

Nabatid na tuma­tayong abugado ng pamilya ng biktimang si Garalde si PAO chief Atty. Acosta.

Matatandaang kamakalawa (Hulyo 29) nang maaresto si Tanto sa Li­ngad, Milagros, Masbate.

Sa pahayag naman ng  misis ni Anesha Tanto, 30, sinabi nitong, “Nagpunta po kami sa Masbate sa mga kamag-anak ko para raw i-safety niya muna kami bago siya babalik sa Maynila. Tatlo po ang anak namin na ang edad ay 7, 4 at 2 at buntis pa po ako.”

Narekober na rin umano ang baril na ginamit nito na sinasabing isinanla sa isang kamag-anak at ang pinangsanlaan ang ginamit nito na pamasahe patungong probinsya. 

Itinakda naman ni Prosecutor Robert  Ong at Senior State Prosecutor Theodore Villanueva ang preliminary investigation sa Agosto 2, 2016 para sa inihaing reklamong murder at frustrated murder laban kay Tanto, na posibleng magsusumite  rin ng kaniyang counter affidavit.

Nang tanungin ng media si MPD-Homicide Section chief, Senior Insp. Rommel Anicete  kung bakit nagtakda ng preliminary investigation.

Ito’y dahil  wala pa ang abogado ni Tanto.

Paliwanag niya, kung ang ibang kaso na isinasalang ang suspek sa inquest sa piskalya ng Maynila ay deemed for resolution na matapos isailalim sa clarificatory questions, sa DOJ ay  magkakaroon pa ng preliminary investigation

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with