Bilibid muling ginalugad
MANILA, Philippines - Muling nagsagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang raiding team ng Philipppine National Polcie (PNP)-Special Action Force (SAF) sa New Bilibid Prison (NBP), subalit wala silang nasamsam na droga.
Ito ang ipinahayag kahapon ni NBP Public Information head Eusebio del Rosario at partikular na sinuyod ay ang building 1 at 6 matatagpuan sa quadrant 1 ng NBP.
Isinagawa umano ang operasyon mula alas-7:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.
Nitong Miyerkules lamang ay sinuyod rin ang quadrant 2 ng naturang kulungan na kung saa’y nakakumpiska pa rin ng droga, cellphone, electronics, bladed weapon at cash money na aabot sa halos 700,000.
- Latest