^

Metro

BPSO utas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang mi­yembro ng Barangay Public Safety Officer (BPSO) makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect habang ang una ay sakay ng isang motorsiklo sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa ulat ni PO3 Jogene Hernandez ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktima ay nakilalang si Aaron Deloria, 32, ng Block 4, Lot 4, Ninada St., Litex, Brgy. Commonwealth, QC.

Ayon kay Hernandez, ang mga suspek na pawang mga nakasuot ng itim na bull cap ay mabilis na tumakas sakay ng isang kulay pulang motorsiklo na walang plaka.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa may eskinita malapit sa bahay ng biktima, dakong alas 8:20 ng umaga.

Bago ito, katatapos lamang umanong mag-duty bilang BPSO sa Barangay Commonwealth ng biktima at papauwi na sa kanyang bahay sakay ng kanyang kulay asul na Meo S40 motorcycle nang sundan ito ng mga suspek. Pagsapit sa nasabing lugar, biglang nag­labas ng baril ang back rider na suspek saka pinaputukan ng dalawang beses  sa katawan ang biktima saka agad na tumakas patungo sa direksyon ng Everlasting St., Brgy. Payatas QC, habang ang biktima ay isinugod naman ng kapitbahay sa FEU hospital, pero idineklara ding dead-on-arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with