^

Metro

Lisensya ng 3 baril ng road rage killer kinansela na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinansela na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang lisensya ng murder suspect na si Vhon Martin Tanto na nasangkot sa pamamaril at pagpaslang sa isang biker at pagkasugat ng isang 18-anyos na coed sanhi ng alitan sa trapiko sa Quiapo, Maynila noong Lunes ng gabi.

Sa press briefing sa Camp Crame, inianunsyo ni P/Sr. Supt. Cesar Hawthorne Binag, hepe ng PNP-Firearms and Explosives Office ang ‘revocation’ ng lisensya ng mga baril ni Tanto.

Base sa record ng Firearms Holder Ve-rification Report na isinumite ng kanilang Firearms and Licensing Division, ang suspect ay may tatlong baril na lisensyado na kinabi-bilangan Armscor caliber .45 na mage-expire sa Disyem­bre 11, 2017; isang Glock caliber .40 na mapapaso naman ang lisensya sa Disyembre 11, 2017 at isang Norinco cal. 45 na mage-expire naman ang lisensya sa Disyembre 11, 2016.

Sinabi ni Binag na dahilan sa pagkakasangkot sa pamamaril ni Tanto na kumitil sa buhay ng biktimang si Mark Vincent Garalde sa P. Casal Street, Quiapo, May­­nila noong Hulyo 25, 2016, epektibo kahapon (Hulyo 28, 2016) ay binawi na nila ang lisensya ng tatlong baril na nakare-histro dito.

Samantalang ipinapa-turn-over naman ni Binag kay Tanto ang mga baril nito alinsunod sa ibinaba niyang kautusan sa ilalim ng Section 37 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10591.

Si Tanto ay nasakote ng Army Intelligence sa Milagros, Masbate kahapon ng tanghali pero wala ni isa sa mga baril na nakalisensya dito ang nakumpiska sa operasyon.

 “So gusto naming bigyan ng pansin ang pagkakaroon ng baril ay isang pribilehiyo, hindi isang karapatan so anytime the government, we can revoke the license of a gunholder (We would like to reiterate that owning a gun is a privilege not a right so anytime the government, we can revoke the license of a gunholder,” dagdag pa ng opisyal.

Samantalang base pa sa kanilang im-bestigasyon, walang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) si Tanto at wala rin itong Permit to Travel Firearms.

Inihayag ni Binag na maliban sa kasong murder at frustrated murder laban kay Tanto ay posibleng madagdagan ang kaso nito kapag napatunayang hindi lisensyado ang ginamit nito sa krimen.

“Kapag na-determine na ng Crime La­boratory na iyung ginamit na baril sa pag­patay ay isa doon sa tatlo, aggravating circums­tance ang ifa-file ng kaso ng Manila Police District (MPD),” ang sabi pa nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with