^

Metro

5 itinumba ng mga naka-bonnet sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang pamamaslang ng mga nag­papakilala umanong vigilante group “Calo-o­can Death Squad (CDS)” makaraang apat na lalaki kabilang ang isang dating barangay Ex-O ang sunud-sunod na itumba ng grupo, mula kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-11:30 kahapon ng umaga nang barilin ng isa sa dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang isang alyas “Jepoy” sa may 10th Avenue, Gracepark. Ayon sa mga saksi, sakay ng isang itim motorsiklo ang biktima na hinahabol ng dalawang salarin nang bumangga ito sa bumper ng isang kotse at sumemplang. Dito na ito sinamantala ng gunman nang walang habas itong pagbabarilin saka mabilis na tumakas.

Dakong alas-2:30 ng madaling araw nang pagbabarilin at mapatay ng mga miyembro ng CDS sa may Interior Quisumbing, Brgy. 178 Camarin, si Jomel Pernecida, 35.  Narekober ng mga pulis ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga bala ng calibre .45 baril.

 Sa Barangay 173, nagka- cara y cruz ang 31-anyos na si Jessie Canamon sa  lamay ng nasawi niyang kapitbahay sa may Purok 3 DM Compound nang dumating ang 10 lalaki lahat lulan ng motorsiklo, nakasuot ng itim na mga bonnet at bigla itong pagbabarilin dakong ala-1:45 ng madaling araw.

Nakuha sa posesyon ng biktima ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at dalawang basyo ng bala ng calibre .45 baril.

Dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi nang pagbabarilin din ng mga naka-bonnet si Ramil Agaton, 42, dating barangay executive officer ng Brgy. 168 Deparo. Nakikipag-inuman si Agaton sa mga kaibigan sa harap ng kanyang bahay nang dumating ang mga salarin na pawang nakasuot ng bonnet at pagbabarilin ito ng malapitan dahilan ng agad niyang kamatayan.

 Kasabay nito, pinatay sa harap ng kan­yang paslit na anak ang 28-anyos na si Eduardo Williams, ng P. Jacinto Street, Brgy. 86.  Pinapakain ng biktima ang 5-anyos niyang anak sa loob ng kanilang bahay nang pumasok ang anim na lalaki na pawang nakasuot ng mga bonnet at pagbabarilin ito.

Nabatid na si Agaton ay natanggal bilang Ex-O ng barangay dahil sa pagkakasangkot umano sa iligal na droga habang si Williams ay sumuko na kamakailan sa kanilang barangay dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

Sa Caloocan pa rin, dalawa pang pi­naghihinalaang ‘tulak’ ng iligal na droga ang napatay ng mga tauhan ng Caloocan City Police nang makipagbarilan umano sa mga awtoridad sa isang operasyon sa Barangay Tala, sa natu-rang lungsod kamakalawa ng hapon.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang tunay na pagkakakilanlan ng mga napaslang na suspek na inisyal na kinilalang sina alyas Rakman at Mikel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with