^

Metro

Sa Taguig City at Maynila 2 parak, 3 pa utas sa drug-bust

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima katao kabilang ang dalawang pulis ang iniulat na nasawi matapos kumasa sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Taguig at Maynila.

Sa Caloocan, tatlo ang bu­mulagta kabilang ang isang pulis matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa isang buy-bust operation na isinagawa, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the -spot ang mga suspect na sina PO3 Leonilo Quiambao, 37, nakatalaga sa NCRPO, Byran Oliveros, 40 at Edwin Reyes, 46, sanhi ng tinamong mga tama ng bala   ng baril sa katawan.

Ginagamot naman sa Ta­guig-Pateros District Hospital ang isa sa operatiba na si PO2 Alvin Taduyo matapos itong mabaril sa kaliwang paa.

Ayon sa report, alas-2:28 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng SPD-District Anti-Illegal Drugs, Special Operation Task Group; SPD-District Special Operation Unit at Taguig City Police sa GHQ Village, Brgy. Katuparan ng naturang lungsod.

Nakatunog umano ang mga suspect kung kaya pinaputukan ng mga ito ang awtoridad na gumanti rin ng pagpapa-putok at ikinasawi ng tatlo.

Ang bangkay ng tatlong suspect na napatay ay dinala sa Loreto Funeral Homes para i-autopsy. Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

Samantala sa Maynila, isang AWOL din na pulis ang nasawi sa isinagawang buy bust operation  sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Antonio Capuli, 45,dating mi-yembro ng PNP-Bataan at taga Sampaloc, Maynila.

Naganap ang insidente dakong alas-10:25 kamakalawa  ng gabi sa loob ng bahay ni Ca­puli.

Nakatunog umano ito na mga pulis ang kanyang katransaksiyon na dito nagsimula ang engkuwentro na ikinasawi ni Capuli.

Samantala, isa pa ring Tsinoy na hinihinalang sangkot din sa iligal na droga ang biktima ng summary execution nang matagpuan ang bangkay nito kahapon ng ala-1 ng madaling araw sa may R-10 Bridge, Tondo, Maynila.

Kinilala itong si Jaime Ong Bayaca, 40, tubong Nueva Viscaya, ng Tikay, Malolos, Bula­can.

May nakakabit na karatula sa bangkay nito na nagsasaad ng “DRUG LORD AKO (Chinese)’’.

Binigti umano ng alambre at may saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima bago itinapon sa lugar. 

Kamatayan din ang sinapit ng isa pang lalaki  na pinaniniwalaang “tulak” na sapilitang isinakay ng apat na hindi pa nakikilalang  suspek sa Tondo, Maynila. Lordeth Bonilla at Doris Franche Borja

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with