^

Metro

Bumaril, nakapatay sa siklista, ‘gunrunner’?

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinisilip ngayon ng Ma­nila Police District na mi­yembro umano ng gun running syndicate ang suspek na nakabaril at nakapatay sa isang biker ka­makalawa ng umaga sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Chief Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD homicide section, pagiging gun runner ng suspek na si Von Tanto ang iniim­bestigahan nila ngayon bunsod na rin ng pahayag ng ilang mga kapitbahay nito.

Ang sasakyan nito ang sinasabing pinagtataguan ng mga baril na ibinebenta ng suspek. Nakilala ang suspek sa CCTV at kinumpirma ng mga kapitbahay nito.

Kinumpirma din ni Ani­­­cete ang ulat na may ka­ta­tag­­puing kliyente ang suspek nang maganap ang pama­maril nito kay Mark Vincent Ge­ralde sa P. Casal St. Quiapo­, Maynila.

Hanggang ngayon ay hi­hintay pa ng surrender feelers­ ang mga awtoridad mula sa suspek.

Tinamaan ng ligaw na bala sa naturang insidente si Rocel Bondoc, 2nd year college sa Unibersidad de Manila.

Tinamaan sa spinal cord ang dalaga at ngayon nga’y nasa kritikal na kondisyon sa ospital.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with