^

Metro

Curfew sa minors sa Navotas, suportado ng mga residente

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang mga mamamayan ng Navotas City sa ipinatutupad na ordinansa ng pamahalaang lungsod ukol sa curfew sa mga kabataan makaraan na magpalabas ng temporary restraining order (TRO)  ang Korte Suprema laban dito.

 Sinabi kahapon ni Mayor John Rey Tiangco na makaraang mabalitaan ang TRO ng Korte Suprema, dinagsa umano siya ng mga tawag at text messages buhat sa mga opisyal ng mga barangay at residente na nais pa ring ipatupad ang curfew sa kanilang lungsod.

Ngunit nilinaw ni Tiangco na susunod siya sa ipinag-uutos ng Korte at nakatakdang magbigay ng kanilang sagot ukol sa petis­yon na isinumite ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan na siyang humiling ng TRO.

Gayunman, habang nakabinbin ang usapin, sinabi ni Tiangco na patuloy pa rin naman ang pagbabantay ng pulisya­ at mga opis­yal ng barangay sa mga dis-oras ng gabi na pansa­mantalang sasaway muna sa mga kabataang kanilang maabutan sa kalsada habang hindi muna maaaring damputin ang mga ito.

Sinabi ni Tiangco na handa silang sumunod sa pinal na magiging kautusan ng korte at posibleng baguhin ang itinatad­hana ng kanilang ordinansa  upang sumang-ayon sa kautusan. 

 Sa ilalim ng ordinansa sa curfew na ipinatutupad ng Navotas City, pagsasabihan ang mga magulang ng mga batang mada­dampot sa curfew at irerekord muna sa unang paglabag habang mula P300 pataas at community service ang ipapataw sa mga magulang sa ikalawa at mga susunod pang paglabag.

Idinipensa naman ng alkalde ang kanilang ordinansa na napakalaki umano ng kontribusyon sa pagpapababa ng krimen nang kanilang palakasin ang implementasyon nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with