^

Metro

Criminality campaign sa NCR apektado ng TRO sa curfew

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posible umanong magdulot nang pagtaas ng kriminalidad na kinasasangkutan ng mga menor de edad ang inisyung Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema sa curfew ordinance ng ilang lungsod sa Metro Manila.

Ito ang may alarmang pahayag kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director P/Chief Supt. Oscar Albayalde.

Kabilang sa mga naisyuhan ng TRO laban sa ipinatutupad na curfew ordinances  ay ang mga lungsod ng Quezon, Maynila at Navotas.

Una nang nagsipalag ang mga magulang ng ilang mga estudyante na hinuli ng mga pulis matapos na gabihin uma­no sa paggawa ng homework sa kanilang eskuwelahan kaya du­mulog sa lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Albayalde na dahil naman sa TRO maaaring tumaas ang antas ng krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan kung pababayaan­ ang mga ito ng kanilang mga magulang na gumala sa lan­sa­ngan sa disoras ng gabi kung saan karaniwang nangyayari ang street gang war ng mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with