^

Metro

SAF nagsagawa ng ‘Oplan Galugad’: Kontrabando sa Bilibid hindi maubos

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila nang matinding pagbabantay ng  PNP-Special Action Force (SAF), walang takot pa ring nagpupuslit ang ilang mga bilanggo makaraang makasamsam ng mga kontrabando sa isinagawang sorpresang ‘Oplan Galugad’ sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon.

Alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 kahapon ng hapon nang magsagawa ng sorpresang “operasyon ang grupo ng PNP-SAF sa quadrant 2, ng Maximum Security Com­pound ng NBP.

Nakakumpiska ang raiding team ng mga patalim; electro­nics gadget, DVD, mahigit isang daang pirasong cellular phone, mga shabu at P700,000. cash.

Ito ang pangalawang ‘Oplan Galugad’ na isinagawa sa naturang piitan sa Duterte administration.

Hindi tatantanan ng naturang raiding team hangga’t hindi nauubos ang mga kontrabando sa naturang piitan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with