^

Metro

3 todas sa Parañaque, Taguig

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong ka­tao kabilang ang isang babae na sangkot uma­no sa ipinagbabawal na gamot  matapos pagba­barilin ang mga ito sa magkakahiwalay na insi­dente sa Parañaque at Taguig City, kamakalawa.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Pa­rañaque ang biktimang si Elma Santos, 34, ng Brgy. San Dionisio, Parañaque City, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .9mm. Alas-3:00 ng hapon nang pagbabarilin si Santos ng pusher na si alyas Umlim habang bumibili ang babae rito ng shabu dahil kulang umano ang pera nito sa ilalim ng overpass sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue, Brgy. La Huerta ng naturang lungsod.

Sa Parañaque City pa rin, dead-on-the-spot si  Abduljalil Amama “alias Charlie Muslim”, 30, nakatira sa Unida St., Brgy. Baclaran ng naturang lungsod matapos itong makipagbarilan sa mga kagawad ng Parañaque City Police sa pamumuno ni Police Inspector  Arlan Perez sa isang anti-drug operation  sa bakanteng lote sa panulukan ng Opeña at Mactan St. ng nabanggit na barangay, alas-9:10 ng gabi.

Sa Taguig City naman, pinagbabaril at pinatay ang umano’y drug pusher at miyembro ng “akyat bahay gang” na si Reil Dagayloan, may sapat na gulang ng hindi pa nakikilalang suspect.

Alas-2:00 kahapon ng madaling araw nang pagbabarilin si Dagayloan sa Staging Area, Sitio  Maliwanag, Brgy. Western Bicutan ng naturang lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with