^

Metro

Rape suspect dedo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang sus­pek sa panggagahasa makaraang mabaril ng mga tauhan ng Caloocan City Police matapos na mang-agaw umano ng baril ng isang pulis sa loob ng presinto, kama­kalawa ng hapon.

Isinugod pa sa Caloocan City Medical Center ngunit hindi na umabot ng buhay ang suspek na nakilalang si Mark Domo Peralta, residente ng Brgy. 35 Sawata, Maypajo, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, unang naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa loob ng kanyang bahay dahil sa kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of arrest buhat sa Cagayan De Oro City Regional Trial Court Branch 22.

Sa pagkapkap sa kanya, nakuha umano sa posesyon ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa loob ng tangga-pan ng Warrant Section, bigla na lamang uma-nong inagaw ng suspek ang baril ni PO1 Paragas hanggang sa magkaroon ng pambuno. Pumutok ang baril at muntik nang tamaan si PO2 Bartolome.

Dahil umano sa banta sa buhay ng kanyang mga kasamahan, napilitan na paputukan naman ni PO3 Estropia ang suspek. Dito lamang natigil ang pambuno habang mabilis na isinugod sa pagamutan ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with