^

Metro

P10-M shabu iniwan sa jeep

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P10 milyong halaga ng shabu ang sinurender ng isang jeepney driver sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na iwan umano ng isang lalaki sa loob ng pampasaherong jeep noong Hulyo 23 sa Bacoor, Cavite. 

Iprinisinta ni NBI–AIDD Chief Atty. Joel Tovera sa mga mamahayag ang isang alyas Joel na siyang nag-report sa kanila kaugnay sa iniwang shabu na nasa loob ng kahon ng Zesto na una niyang inakalang juice.

“Nakatulog ‘yong lalaking pasahero,tapos  ng makarating kami sa terminal sinabihan ko siya na nasa termi­nal na kami bigla siyang nagpanik tapos nagtatakbo, inihabol ko yung kahon ng Zesto pero hindi niya pinan­sin, kaya inuwi ko na lang sa bahay namin kasi akala ko juice lang pero kinabahan ako nang buksan ko at nakitang shabu”, ayon kay Joel.

Sa takot umano na tuntunin siya ng sindi-kato ipinasya ni Joel na ialis ang kanyang pamilya sa Cavite at dalhin sa Taytay, Rizal.

Ayon kay Joel sa NBI umano niya ipina­siyang mag-report dahil ito na lang ang inisip niyang ahensiya ng gob­yerno na maaari niyang pagkatiwalaan.

Sinabi ni Tovera na dahil mahigpit sa kampanya ang mga awtoridad laban sa droga,nag-iiba-iba ng paraan ang mga courier kung papaano nila maihahatid ang shabu.

Nagpahayag naman ng paniniwala ang NBI sa kuwento ni Joel matapos ang isinagawang back ground check sa pagkatao nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with