^

Metro

‘Tulak’ itinumba sa loob ng bahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa pa ring lalaki na hinihinalang sangkot umano sa bentahan ng droga ang pinagbabaril at napatay sa loob mismo ng kanyang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Ruben Andrade, residente ng San Vicente, Brgy. 178 Kiko Camarin, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima dakong alas-2:30 ng hapon. Nanonood ng telebisyon ang biktima nang biglang pumasok ang mga salarin at pagbabarilin si Andrade. 

Agad na nagsitakas ang mga salarin makaraan ang pamamaril habang hindi naman agad nasaklolohan ng mga kapitbahay ang biktima dahil sa takot na madamay sila sa krimen.  Iniulat lamang ng mga ito ang pangyayari sa mga opisyal ng kanilang barangay nang matiyak na nakaalis na ang mga gunmen.

Bukod sa mga basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril, nakuha rin sa loob ng bahay ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga paraphernalia.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with