^

Metro

Rider may kargang droga, utas sa pulis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang rider makaraang makipagbarilan sa mga pulis kamakalawa  ng madaling araw sa Caloocan City.

Patuloy na inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa nasawing suspek na nasa 5’4” ang taas, nasa 20-25 anyos ang edad, at nakasuot ng itim na jacket at bonnet.

 Sa ulat ng Caloocan City Police North Extension Office (NEO), nagsasagawa ng pagpapatrulya ang kanilang Anti-Carnapping Unit nang maispatan ang suspek sakay ng isang walang plakang motorsiklo sa may Waling-Waling Street, Sampaguita Subdivision, Brgy. 175, dakong ala-1:50 ng madaling araw.

Tinangkang parahin ng mga pulis ang suspek ngunit bigla umano nitong pinaputukan ang mga awtoridad na gumanti naman nang pagpapaputok na nagresulta sa pagkasawi nito.

 Nakuha sa posesyon ng suspek ang isang calibre .38 baril na may limang bala at isang maliit na bag na may lamang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with