^

Metro

Operasyon natigil kable ng MRT-3 tinamaan ng kidlat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natigil ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) matapos tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng malakas na ulan ang catenary cable nito, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Department of Transportation (DOT) spokesperson Cherie Mercado, napilitang magpatupad ng provisional service ang MRT-3  nang tamaan ng kidlat ang catenary cable nito sa ibabaw ng tren, sa pagitan ng Santolan at Ortigas stations dakong alas-6:30 ng gabi.

Ani Mercado, naputol ng kidlat ang naturang cable at bahagyang lumiyab kaya’t huminto ang tren.

Kinailangan munang itigil ang biyahe at manatili ng mga pasahero sa loob ng tren sa loob ng 10-minuto bago pinayagang makababa ng tren ng mga engineer ng MRT-3 upang matiyak na ligtas na ang mga ito.

Nagpatuloy naman ang operasyon ng tren pagsapit ng alas-7:41 ng gabi ngunit limitado lamang ito mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue at pabalik.

Kaagad ding ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade na mabilis na aksyunan ang problema upang maibalik sa normal ang serbisyo ng MRT-3.

Bandang alas-10:00 na ng gabi naayos ang tren na nasapul ng kidlat samantalang nagbalik ang normal na ope­rasyon ng MRT dakong alas-4:30 Lunes ng umaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with