^

Metro

PNP, raliyista bati na sa SONA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang girian, walang puk­pukan, walang sigawan, batuhan habang namahagi rin ang mga pulis ng pagkain at pampatid uhaw sa hanay ng tinatayang libong militanteng  grupo ng mga raliyista.

Ito ang senaryong na-ob­serbahan kahapon sa kau­na-unahang State of the Na­tion Address (SONA) ni Pa­ngulong Rodrigo “Digong’’ Duterte.

Ilang oras bago ang SONA ni Digong ay nagsa­gawa ng inspeksyon sa bisinidad ng okasyon sina PNP Chief Director General Ro-nald “Bato’’ dela Rosa, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Supt. Oscar Albayalde at iba pang mga opisyal ng PNP kung saan ay binisita at kinumusta pa ng mga opisyal ang mga militanteng raliyista.

 Samantalang nagkamayan din sina dela Rosa at Bagong Alyansang Ma-kabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes Jr. kung saan sinabi ni dela Rosa na “Peace tayo today‘‘ at kapwa nagngitian pa ang dalawa.

 Nanguna naman si Albayalde sa pamimigay ng meryendang tinapay at pamatid uhaw tulad ng ice candy sa mga raliyista.

Sinabi ni dela Rosa na ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na pinalapit ang mga militanteng grupo sa labas ng Batasang Pambansa kung saan ginanap ang SONA ni Duterte. 

“Masaya kami na nandi­to kayo, huwag lang kayong manggugulo. Kung puwede lang pauwiin ko na ang mga pulis ko, peace loving naman tayong lahat hindi ba’’, naka-ngiting mensahe ni dela Rosa     sa hanay ng mga raliyista.

 “This is historic, ngayon lang talaga kami nakalapit. Pwede naman pala eh’’, pahayag naman ni Reyes, isa sa mga lider ng mga raliyista.

Ayon kay dela Rosa, ito ang kauna-unahang pagkakataon na kalmado at relax lang ang kapulisan na naka-deploy sa SONA.

 “This is the first time in the history of Philippines, when we have SONA that the police are not feeling threatened. Our policemen are very relaxed,” ayon pa kay dela Rosa.

Magugunita na sa naka-lipas na SONA ay naggigirian , nagpupukpukan  ang anti-riot cops at ang mga raliyista kung saan marami ang mga nasusugatang pulis at maging mula sa hanay    ng mga demonstrador.

Samantalang ang mga container vans na nagsisilbing blockade o pangharang ng mga pulis sa mga rali-yista ay hindi na rin iniharang sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Ang mga de­monstrador ay nakalapit sa Batasan Pambansa may 300 metro mula sa nasabing venue.

 “We feel they are with us, they are no longer against us. That they are solidly behind the Duterte administration. They want reform. They want change,” anang PNP Chief.

Walang na-monitor na banta sa seguridad ay kapwa nasa full alert status ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at AFP-Joint Task Force-NCR upang mapangalagaan ang seguridad ng nasabing kauna-unahan at makasaysayang talumpati sa bayan ng punong ehekutibo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with