^

Metro

Sa mga drug users na sumuko community based-rehab ilulunsad ni Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bunsod na rin ng  pagdami ng bilang ng mga sumusukong drug users, ilulunsad naman ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kauna-unahang “comprehensive and community-based” drug-rehabilitation program sa 896 barangays .

Ayon kay Estrada ang  “out-patient” program, na tinawag na “Sagip Buhay, Sagip Pangarap”, ang sagot sa sunud-sunod na anti-drug operations  na  nagresulta sa  pagsuko ng 7,000 individuals at  pagkamatay naman ng 47  suspects  sa kasagsagan ng   police operations.  Aniya, kailangan nang tulungang magbago ang mga drug users.

Aminado  ang  alkalde  na walang  sapat na pasilidad  ang city government para sa libong drug suspects na sumuko  sa ilalim “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP). Sa ngayon aniya, tanging ang 100-bed drug rehabilitation center na Boys’ Town ang isinasagawa na inaasahang matatapos sa susunod na taon.

Paliwanag ni Estrada ang  ‘‘Sagip Buhay, Sagip Pangarap’’ program ay  “multi-option modes of quality, efficient, professional, and comprehensive” rehabilitation services para sa 896 barangays ng lungsod upang  mabilis  ang pagbabago ng  drug users.

Nabatid naman kay MPD  Director Chief  Supt. Joel Coronel na umaabot na sa  3,160 drug users at 595 pushers ang sumuko. Inaasahan naman ang  pagdami pa nito sa mga susunod na araw.

Ayon naman kay Jerika Ejercito, anak ni Estrada na namumuno sa non-government organization na Initiatives for Life and Action for Women (ILAW) at nagtutulak sa pagpapatayo ng mga drug rehab centers, dapat lang tulungan ang mga drug users na nagnanais na gumaling dahil sila rin ay mga biktima. Pinangungunahan din ni Ejercito ang barangay rehabilitation treatment program na ito.

“Dadalhin natin sa bawat barangay ang rehabilitation program na ito upang mas maging epektibo at sa gayon ay mabantayan din ng mga barangay ang pagpapaga-ling ng bawat pasyente sa kani-kanilang komunidad,” paliwanag ni Ejercito.

Isasailalim naman sa pagsasanay ang bawat tauhan ng barangay sa pangunguna ng Manila Anti-Drug Abuse Council (MADAC).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with