^

Metro

Trader iginapos, pinatay sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakagapos, may busal sa bibig at patay na nang matagpuan ang isang 62-anyos na negosyante sa loob ng kaniyang bahay, sa Sta. Ana, Maynila, kaha-pon ng umaga.

Sa ulat ni  SPO2 Richard  Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 10:00 ng umaga nang madiskubre ng isang Vincent Antonio ang bangkay ni Leonardo Simbilio, alyas “Mommy Joy”, ng no.2243-B Elioriaga corner Augusto Francisco St., Sta. Ana, Maynila.

Nagtungo umano si Antonio sa biktima para manghiram ng pera nang makita niyang may busal ang  bibig  at nakahandusay na ito.

Walang nakita pang sugat o palatandaan na pinahirapan ang biktima mali­ban sa hinalang namatay lamang sa suffocation dahil sa busal at pagkagapos.

May teorya  ang pulisya na ninakawan ang biktima dahil may nawawalang pera, 3 cellphone at iba  pang gamit. Nag-iisa umano ang biktima na nangu-ngupahan ng may 20 taon sa nasabing bahay subalit sanay na umano ang mga kapitbahay na marami ang madalas na bisita nito.

Inaalam ng pulisya   kung may katotohanan ang impormasyon na may limang lalaki na nakitang nakatayo sa harap ng bahay nito dakong alas 2:00 ng madaling araw at kung may kaugnayan ito sa pagkamatay ng biktima.

Wala namang palatandaan na pinuwersang pasukin ang bahay ng  biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with