^

Metro

Planta ng plaka ng LTO sa main office, hindi na gagamitin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na gagamitin pa ang sariling car plate making plant na nasa loob ng bakuran ng Land Transportation Office (LTO) main sa East Avenue. Quezon City.

Ayon ito kay LTO Chief Edgar Galvante kasabay nang pagsasabing umano hindi na akma ang lumang plate making plant sa paggawa ng plaka. Nabatid pa na may ipinatatayo ng bagong plate making plant sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa lungsod ang nagdaang administrasyon.

Ang plate making plant sa LTO main ay maaari anyang magamit sa ibang programa ng ahensiya.

Sinabi ni Galvante na dahil hindi pa operational ang itinayong bagong car plate making plant ay naghahanap ngayon ang LTO ng kompanya na pansamantalang gagawa ng kailangang car plates na pampunan sa kanilang backlog.

Sa ngayon ay may 3 milyong car plates ang backlog ng LTO at patuloy pa ang pagtataas nito depende sa rami ng mga sasakyan sa kada taon na nairerehistro.

“Ang gusto ko ngayon na masolosyunan ay yung mga kailangang car plates na hindi pa naibibigay ng LTO sa mga motorista”, pahayag ni Galvante.

Sinabi rin nito na pinag-aaralan na ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang maaaring gawing hakbang laban sa Power Plate na kakontrata ng nagdaang administrasyon sa paggawa ng plaka.

Natigil ang paggawa ng car plates ng Power Plate makaraang pigilin ng  Commission on Audit(COA) dahil sa nakitang iregularidad sa kontrata.

Bukod dito, sinabi rin ni Galvante na sa isyu naman ng kakulangan ng drivers license cards, nakikipag ugnayan na anya siya sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno upang mapabilis ang pag-iisyu ng LTO ng drivers license cards sa mga drivers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with