^

Metro

‘Oplan Sita’ tinakasan, tandem dedo sa engkwentro

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kapwa nasawi ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos hindi tumigil ang mga ito sa isinasagawang ‘Oplan Sita’ ng mga pulis, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Dead-on-the-spot ang dalawang suspect at ang isa dito ay  nakilala sa pamamagitan ng ID na nakuha rito na si Joven Dabu, 27, nakatira sa Berang Bukid, Santa Rosa, Nueva Ecija, nagtamo ang mga ito ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa isa pang nasawi.

Ayon sa ulat alas-2:45 kahapon ng madaling araw habang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ ang mga kagawad ng Tactical Motorcycle Riders Unit (TMRU) sa kahabaan ng C-5 Extension, Brgy. Pulang Lupa Uno ng naturang lungsod nang mamataan ang mga suspect na magkaangkas sa isang motorsiklo na walang plaka at walang suot na helmet.

Dahil dito pinahihinto ng mga awtoridad ang dalawa subalit imbes na tumigil ay lalung pinaharurot ng mga suspect ang sinasakyang motorsiklo.

Nag-warning shot ang mga pulis, subalit hindi pa rin tumigil ang mga suspect sa halip ay nakipagpalitan ng putok sa mga pulis, dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad na ikinasawi ng mga ito.

Narekober ng mga pulis  sa mga suspect ang isang kalibre .45 baril, isang kalibre .38 at anim na plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with