^

Metro

Van na ginamit sa rape, in-impound ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – In-impound na ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang van na ginamit sa pag-rape ng driver at kasabwat nito sa dalawang babaeng pasahero noong nakaraang Hunyo 10, 2016.

Ito ay makaraang dumalo sa en banc hea­ring ng LTFRB hinggil dito  ang  registered owner ng van na may plakang ALA 6980 na si Roberto Cardenas.

Sa hearing, sinabi ni Cardenas na  ang kanyang van ay walang franchise at ang kanyang sasakyan ay nahiram lamang sa kanya ng driver at wala siyang alam na gagamitin sa pangongolorum at  sa anumang krimen.

Sa LTFRB, positibong tinuro naman ng dalawang biktima ang na-impound na van na nakaparada sa compound ng LTFRB na ito ang ginamit ng mga suspek sa krimen.

Samantala sa kasunod na en banc hearing sa LTFRB, sinuspinde ng ahensiya ng 6 buwan ang operasyon ng jeep (DLP-674) na sangkot sa pagkamatay ng dalawang lalaki noong December 3, 2015 sa Las Piñas.

Bukod dito, pinagmumulta rin ng LTFRB ang ope­rator ng jeep na si Leonida Venturina  ng P50,000 at pinakakansela ang dri­vers license ng tsuper nitong si  Pelito Pio Gerardo, Jr. expired ang lisensya noong pang Aug 25, 2013 o nang maganap ang krimen.

Magugunitang nadakip ang driver ng van na si Wilfredo Lorenzo habang napatay naman ang kasabwat nito na si Alfie Turado sa insidenteng naganap noong Hunyo 10, 2016.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with