^

Metro

2 pang ‘tulak’ tumba

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa pang mister na hinihinalang ‘tulak’ ng droga ang itinumba matapos itong pasukin sa loob ng kanyang bahay at pagbabarilin ng hindi kilalang mga salarin kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Dead on the spot ang biktimang si Eusebio D. Escoto, alyas Carling, 44, nakatira Brgy. Manuyo Dos ng natu-rang lungsod, nagtamo ito ng tama ng bala buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa pahayag ng misis ni Eusebio na si Susan, naganap ang insidente alas-12:45 kahapon ng madaling araw  habang sila ay natutulog nang biglang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang dalawang lalaki at walang salitang pinagbabaril ang kanyang mister na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Nag-iwan pa ang mga suspect ng placard na nakasulat ang katagang “pusher ako.. susunod na kayo”. Pag­katapos ay dali-daling tumakas ang mga suspect at sumakay ang mga ito sa isang walang plakang motorsiklo.

Sa Maynila dead-on-the-spot ang isang 42-anyos na sinasabing ‘tulak’ din ng droga nang manlaban sa mga ope­ratiba ng Manila Police District-Station 10 sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Paco, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Daniel Redota, residente ng Block 49, Lot 36, Southville, Cabuyao, Laguna.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa PNR Compound, Paco, Maynila. Lordeth Bonilla at Ludy Bermudo with trainee Rei  Renee Moriah Marcelo

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with