^

Metro

‘Bilibid 19’ planong ilipat sa detention center ng ISAFP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Planong ilipat ng kulungan ni incoming Bureau of Corrections (BoC) director Maj. Gen. Alexander Balutan ang mga high profile inmates ng New Bilibid Prison (NBP) sa isang military facility upang lalong mabantayan ang mga ito.

Sinabi ni Maj. Gen. Balutan, pinag-aaralan na nila na ilipat ang tinaguriang ‘Bilibid 19’ na kasalukuyang nakakulong sa Building 14 ng NBP sa isang military facility particular sa detention center ng Intelligence Service of the AFP (ISAFP).

“Mayroong possibility na ilipat sila. ‘Yung 19 na high profile, tinitignan namin ang possibility, at binista na nga namin at nagkaroon kami ng inspection doon sa ISAFP (Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines) detention center at saka doon sa Tanay o di kaya ay  maari ring gamitin yung Caballo Island sa Cavite,” wika pa ni Balutan.

Magugunita na noong 2014 ay inilipat na din ng selda ang ‘Bilibid 19’ sa National Bureau of Investigation compound kasunod ng mga raid na ginawa sa NBP kung saan ay samut saring gamit at cash ang nakumpiska.

Wika pa ni Balutan, panahon na marahil para  ilipat ng selda ang ‘Bilbid 19’ upang mawaksi na ang kultura ng corruption at kaguluhan sa loob ng NBP.

Magugunita na 320 miyem­bro ng Special Action Force (SAF) ang nagbabantay ngayon sa NBP kalapit ng mga prison guards na sumailalim sa training.

“Kaya nga nandito na ang Special Action Force. Ang SAF na ang may complete control specially sa Maximum Security Compound at Building 14, where 19 high-profile inmates ay nandun. Sinisigurado ko sa inyo na hindi na makakalusot ang mga malalaki at obvious na bagay katulad ng jacuzzi na ‘yan, mga TV,” giit pa nito.

Kabilang sa tinaguriang ‘Bilibid 19i ay ang sinasabing mga big time drug na  sina Herbert Colangco; Jayvee Se­bastian at Peter Co .

Magugunita na ilang ulit nang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga speech ang nangyayaring anomalya sa NBP kung saan ay patuloy ang illegal drug operations ng mga druglords kahit nakakulong na ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with