^

Metro

3 holdaper bulagta sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong pinaghihinala- ang notoryus na mga holdaper  ang nasawi nang maki-pagbarilan sa nagrespondeng  mga tauhan ng pulisya matapos holdapin ng mga ito ang isang negosyanteng ginang sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Senior Supt. Joselito Esquivel Jr., Direc­tor for Operations ng Quezon City Police, dakong alas-3:18 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa kahabaan ng Maximo Vio­la Street at Sto.Domingo Street, Brgy. Balingasa, Quezon City.

Kasalukuyan pang ina­alam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga nasawing suspect na pawang tinatayang nasa pagitan ng 25 hanggang 35-anyos.

Biktima ng mga ito ang negosyanteng si Lita Ma-dera, 47, ng Brgy. Saint  Peter  ng nasabing lungsod.

Nagkataon namang nagpapatrulya ang mga operatiba ng QCPD Station 1 kung saan humingi ng tulong ang nasabing negosyante makaraang holdapin ng mga suspect na tumakas lulan ng isang de motor na pedicab.

Agad namang inialar­ma ang Station Tactical Operation Unit kung saan nagresponde rin ang ka­nilang mga tauhan at naispatan ang mga suspect.

Nakorner ang mga suspect sa lugar pero sa halip na sumuko ay pinaputukan pa ang mga pulis na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig. Sa palitan ng putok ay napaslang ang mga suspect  habang wala namang nasugatan at nasawi sa panig ng mga awtoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with