^

Metro

Raid sa shabu lab sa Valenzuela chinese drug lord todas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Finally a big fish is down!

Ito ang mariing dekla-ras­yon kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato’’ dela Rosa kasunod sa pagkakapatay sa isang pinaghihinalaang big time Chinese drug lord sa isina­gawang raid sa isang clandestine laboratory ng shabu na nauwi sa engkuwentro sa Valenzuela City, kaha­pon ng madaling araw.

Kinilala ni Dela Rosa and nasawing suspect na si Meco Tan, na nagtang-ka pang takasan and rai-ding team mula sa PNP-Anti-Illegal Drugs Group (AIDG), Highway Patrol Group (HPG) Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Northern Police District (NPD).

Si Dela Rosa ay perso- nal na nagtungo sa lugar upang inspeksyunin ang sinalakay na laboratory ng shabu at nagbabalang may susunod pang mga big time Chinese drug lord tulad ni Tan na isang high value target ang kanilang i-ooperate.

Ayon sa opisyal habang tumatakas ay pinaputukan ni Tan ang raiding team na nagresulta sa shootout sa pagitan ng mga operatiba at ng naturang drug lord.

Arestado rin sa operas­yon ang lima pang kasa-mahang Chinese drug lord ni Tan.

Alas-4 ng madaling araw, ayon pa sa opis­yal nang salakayin ng mga operatiba ang isang compound na pagbrika ng plastic na gi­nawang shabu laboratory sa Brgy. Lingonan sa lungsod ng Valenzuela na nauwi sa shootout na ikinasawi ng suspect.

Aminado naman si Dela Rosa na hindi madali na malipol and mga big time Chinese drug lord dahilan hindi naman sa mga kalye naglalagi ang mga ito kundi sa mga  magagarang hotel at casino.

Sa tala, si Tan ang kau­naunahang big time Chinese drug lord na napatay simula ng manungkulan sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 1 ng taong ito.

Sa kasalukuyan, ayon naman kay Sr. Supt. Albert Ignatius Ferro, Director ng PNP-AIDG patuloy pa ang inventory at pag-iinspeksyon sa loob ng shabu laboratory  kabilang dito ang mga kagamitan at kemikål sa paggawa ng shabu.

Nabatid pa na si Tan rin ang nasa likod ng clandestine shabu laboratory sa Naic, Cavite na ni-raid ng mga awtoridad noong 2003  na nakumpiskahan ng 600 kilo ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with