^

Metro

Politika, hindi droga ang motibo sa pagpaslang sa barangay chairman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naninindigan ang pamilya ng napaslang na barangay  chairman ng Tala, Caloocan na si Edres Domato na politika at hindi tungkol sa droga ang motibo sa pagpaslang sa kanilang ama.

Ito ang mariing tinuran ni  Edison Domato, anak ni  Chairman Domato nang dumulog sa Commission on Human Rights (CHR) kahapon para humingi ng ayuda na ma­bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama.

Anya, mali ang bintang ng Quezon City police na sangkot sa droga ang pagpatay sa kanyang ama dahil maaari anyang kalaban ng ama sa politika ang nasa likod ng pamamaslang dahil malapit na ang barangay election sa Oktubre.

Matatandaang noong Lu­nes ay sumugod ang mga kaanak ni Domato sa CHR para hi­ngin ang tulong ng ahensiya sa pagkamatay ng ama.

Si Domato ay napatay ng armadong riding in tandem noong Sabado sa nabanggit na lungsod

Nangako naman si CHR Director Gilbert Buesser na tututukan nila ang kaso ni Domato dahil hindi makatarungan na basta na lamang paslangin ang isang indibiduwal dahil siya ay pinaghihinalaan lamang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with