^

Metro

Holdaper utas sa engkuwentro

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang holdaper nang makipagbarilan sa mga pulis matapos nitong hol­da­pin at i-hostage ang da­la­wang ka­ba­baihan, iniulat kahapon sa Muntinlupa City.

Dead-on-the-spot ang hindi pa kilalang suspect sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib.

Ang mga naging biktima nito ay nakilalang sina April De­pasucat, 26, dalaga, taga Parañaque City at Rodelisa Villa­nueva, 42, ng Santa Rosa City, Laguna.

Sa ulat na tinanggap ni Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente alas-8:55 ng umaga sa East Service Road, Brgy. Cupang ng naturang lungsod habang nag­­papatrolya ang kanilang  police mobile car sa lugar, big­lang tumigil ang isäng concerned citizen na sakay ng motorsiklo at inimpormahan ang mga pulis na may nagaganap na holdapan sa natu­rang lugar.

Mabilis na rumisponde ang mga pulis at kanilang nalaman na hinoldap si Depasu­cat at namataang papatakas ang suspect sakay ng isang tricycle kung kaya’t hinabol ito ng mga alagad ng batas.

Nang malaman ng suspect na hinahabol siya, tumalon ito mula sa sinasakyang tricycle at biglang sumakay sa isang pampasaherong jeep at dito ay hinostage ng pa­saherong si Villanueva. 

Pinakiusapan ito ng mga pulis, subalit lalu niya itong tinutukan ng baril sa leeg.

Pagkaraan ay pinaka­wa­lan­ ng suspect at muli itong tu­makas at patuloy itong hina­bol ng mga pulis kung saan pinaputukan pa nito ang mga tumutugis sa kanya.

Gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa tina­maan ang suspect at dugu­ang tumumba, kaagad na tu­mawag ng rescue ang mga pulis upang dalhin sa ospital ang suspect, subalit binawian na pala ito ng buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with