^

Metro

Naningil ng pautang trader kinatay ng 4 na kelot

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang negosyante ang nasawi makaraang pagtulungang bugbugin at saksakin ng apat na kalalakihan na nagalit sa kanyang paniningil ng pautang sa isa sa mga huli sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD), nakilala ang nasawi na si Rupert Dominic Santos, 49, may-asawa ng no. 40 West Ave., Brgy. West Triangle sa lungsod.

Agad namang nadakip ang isa sa mga suspek na si Antonio­ Gallardo, 48; habang  pinaghahanap ang mga kasamang sina Antolin Mandap Jr., alyas Botchok, 38; Arnold Mandap, alyas Nono, 40; at Agapito Rufa, 51; pawang mga residente sa Apollo St., Brgy. Tandang Sora, QC.

Sa ulat ni SPO3 Cris Zaldarriaga, kasama ng biktima ang kanyang anak na si Alexandra Celis na nagtungo kay Arnold para singilin sa utang nito. Gayunman, sa halip na magbayad, pinagtulungang bugbugin at pinaghahataw ng metal pipe ng mga suspek na sina Antonio, Arnold, at Rufa ang biktima sanhi para bumuwal ang huli at mawalan ng malay tao. Suspek na si Antolin  naman ang siyang walang awang sumaksak ng paulit-ulit sa biktima hanggang sa bawian ito ng buhay.

Matapos ang  insidente ay nagkanya-kanya nang takas ang mga suspek, bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na agad na rumesponde ang tropa ng Talipapa Police Station-3 sa pangunguna nina PO1’s Moises Aaron Cruz, Tommy Gonzales, Albert Balasbas, at Arnulfo Dulay sakay ng mobile car QC-145 at nagawang ma­dakip si Antolin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with