^

Metro

Bebot, tinadyakan, sinuntok ng brgy. kagawad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang inihain sa Manila Police District-General Investigation and Investigation Section (MPD-GAIS) ang reklamong slight physical injury at unjust vexation ng isang 20-anyos na babae laban sa barangay kagawad na sumipa umano sa kaniyang hita at nanuntok sa dibdib, na naganap noon pang Mayo 20, 2016.

Ang pagsasampa ng kaso ay bunsod ng kabiguan na maayos sa barangay level ang reklamo at isyuhan ng certificate to file action ang biktimang si Catherine Guinto, kitchen staff sa Chowking-Waltermart branch at residente ng no. 2549 Granate St., San An­dres Bukid, Maynila laban kay Brgy. Kagawad Arnel Bugayong Sr., 60, ng Brgy. 766, Zone 83 at residente ng 2552 Granate St. San Andres Bukid.

Sa imbestigasyon, inihatid lamang ng biktima sa bahay ang anak ng suspek na si Jo­­­a­nna­­ Bugayong, 30, na ka­sama niya at iba pang kaibigan sa Herran bar na hindi naman kalayuan sa kanilang lugar.

Matapos umano ang inuman ay pinakiusapan ni Joanna ang biktima na ihatid siya sa bahay upang hindi paghinalaan ng mga magulang na may iba pa silang kasama.

Sa labas pa lamang  umano­ ng bahay ng suspek ay nagsisigaw na ang ina ni Joanna at pinagalitan ang biktima kung bakit nito isinasama ang kaniyang anak sa pag-inom ng alak.

Nang lumabas  naman ang suspek ay may hawak itong pamalo at nang hahatawin na umano ang biktma ay inawat ng misis subalit nakalapit pa rin kaya natadyakan umano sa hita ang biktima at sinuntok pa umano sa dibdib.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with