Criminology graduate nagbaril sa sarili
MANILA, Philippines – Tinapos ng isang binata ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili matapos hindi makayanan umano ang naramdamang kirot sa kanyang puso ng paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend sa Quezon City, kahapon.
Sa ulat ni PO3 Julius Raz, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Detection Unit (QCPD-CIDU)nakilala ang biktima na si Jhun Opiniano, 24, na residente sa No. 12 Trinidad St, San Antonio Subdivision, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.
Ayon kay Raz, nangyari ang insidente sa bahay ng kaibigan ng biktima na nagngangalang Diosdado Ocampo na matatagpuan sa Block 1, Lot 2, Molave 2, Rebisco Road, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, dakong alas-7 ng umaga.
Sabi ni Raz, nagpunta ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigang si Ocampo para umano magpahinga at hiniling na huwag nang sabihin sa kanyang pamilya na naroon siya.
Habang nasa labas ng kanyang bahay si Ocampo ay bigla na lang umano itong nakarinig ng putok ng baril mula sa loob ng kanyang bahay.
Agad na pumasok si Ocampo at nadatnan ang biktima na duguang nakabulagta sa lugar, habang nakita din sa pagitan ng hita nito ang isang improvised shotgun.
Lumitaw na nagtangka na ring magpakamatay si Opiniano dahil sa nararanasan umano nitong depresyon simula ng makipaghiwalay ang umano’y sa kanya ang girlfriend sa pamamagitan ng pag-inom ng sleeping pills noong June 21, 2016
Samantala, sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), narekober ang isang improvised shotgun, tatlong piraso ng bala nito, isang pellet at isang plastic cup. Sa cursory examination naman sa bangkay ng biktima lumabas na nagtamo ito ng isang tama ng bala sa kanyang dibdib.
- Latest