Paslit lunod sa isang timbang tubig
MANILA, Philippines - Patay ang isang taong gulang na batang lalaki makaraang malunod sa isang timbang tubig sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, ayon sa pulisya kahapon.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima ay nakilalang si Miguel del Cruz, residente sa Santiago West, Brgy. San Antonio sa lungsod.Ayon kay PO2 Romeo Nino, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nagawa pang maisugod sa ospital ng kanyang nanay na si Evangeline, subalit binawian din ng buhay matapos ang ilang minutong gamutan.
Sa imbestigasyon ni PO2 Nino, nangyari ang insidente sa may kusina ng bahay ng pamilya ng biktima, ganap na alas-5:50 ng hapon.
Nabatid na panandaliang lumabas ng bahay ang ina ng nasawi nang bigla itong tawagin ng isa pang anak at sinabing nalunod sa timba ng tubig si Miguel.
Dahil dito, agad na nagtungo si Evangeline sa itaas para beripikahin hanggang sa makita ang kanyang anak na si Miguel sa loob ng isang timba na puno ng tubig.
Mabilis na binuhat ni Evangeline ang bata saka itinakbo ito sa St. Agnes Hospital, subalit idineklara din itong dead on arrival, dakong alas-6:10 ng gabi ni Dr. Jecore Reroma, ang attending physician.
Sa cursory examination sa katawan ng biktima, walang nakitang mga sen-yales na external injury dito.
- Latest