^

Metro

Drug supplier concert timbog sa NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naaresto na ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 35 anyos na ‘tulak’ umano ng iba’t ibang uri ng iligal na droga, kabilang ang sinasabing ‘party drugs’  na pinaniniwalaang sanhi ng pagkamatay ng 5 katao na dumalo sa “Close Up Forever Summer” open field party sa Mall of Asia, sa Pasay City noong Mayo 21, 2016.

Sa isinagawang press conference kahapon na pina­ngunahan ni  NBI-Anti-Illegal Drugs Division chief, Atty. Joel  Tovera,  inihayag  nito ang pagkaka-aresto kay  Joshua Habalo, alyas  ‘Josh’, isang event organizer,  dakong alas 2:00 ng madaling araw nitong Sabado (Mayo 28) sa isang event sa House of Manila club, sa Remington Hotel, sa Pasay City

Isa umanong entrapment operation ang isinagawa laban sa suspek, na nagbenta sa ahente ng NBI na nagpanggap na party attendee  ng ecstacy sa halagang P1,500 ang isa.

“Matagal  din bago siya lumutang kasi may strategy pa siya na wala siya sa nasabing party, pero alam namin  na naroon lang siya at nang lumutang na siya pasado alas 2:00 na, alas-11:00 pa lang ng gabi ang transaksiyon sa kaniya,” ani Tovera.

Nakuha din sa kaniyang pag-iingat ang ilan pang ecsracy tablets na kulay pink, sachets ng cocaine at kulay green na kapsula na ang hitsura ay tulad ng pinaghihinalaang ginamit ng ilang kataong namatay sa nasa­bing concert na tinatawag na “green amore”.

“Yung mga nakuha naming ebidensiya, may mga label na at mukhang may nakalaang  pagbebentahan ,” ani Tovera.

Nilinaw ni Tovera na bigtime peddler  si Habalo subalit hindi siya ang ‘source’ ng mga iligal na droga kundi may amo o sindikatong suplayer ito.

Madali umano nilang nakilala si Habalo dahil noong taong 2014 ay naaresto na rin nila ito sa kasong iligal na droga.

Umamin si Habalo na may kakilala siyang dumalo sa Close Up Forever Summer concert kaya siya ay naroon din sa event at high sa ecstacy  subalit itinanggi na nagbenta siya  doon ng iligal na droga.

Ayon kay Tovera, patuloy sila sa pagtugis sa mga suspek na ikinanta ni Habalo. May 10 grupo umano ng sindikato ng droga na nagbenta sa mga concert goers

Pinag-aaralan din ng NBI ang ilang inconsistency sa mga pahayag  ni Habalo.

Samantala,  bigo ang NBI na makontak ang mga  nakuhang pangalan ng mga suspek dahil hindi na umano sumasagot ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with