^

Metro

Lalaki tinodas habang nagbabasketbol

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na natapos ng isang lalaki ang paglalaro niya ng basketball makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa loob ng basketball court sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Agad na nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang nakilalang si Ronald Bumatay, alyas “Dagul”, 24, ng No. 193 Mascar-do Street, Brgy. 143 Bagong Barrio, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police, naglalaro ng basketball ang biktima dakong alas-4:54 ng hapon nang lumapit sa kanya ang nag-iisang salarin na nakasuot ng puting kamiseta, itim na sombrero at maong shorts saka pinagbabaril ng malapitan ang biktima.

Nagkanya-kanyang takbuhan naman ang mga kalaro ni Bumatay kaya malayang na­katakas ang gunman sa hindi mabatid na direksyon. 

Narekober ng pulisya ang dalawang bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril. Nagsasagawa naman ng follow up operation ang pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with