Kelot nagbigti
MANILA, Philippines - Palaisipan sa pulisya ang pagpapakamatay ng isang lalaki kamakalawa sa kanilang bahay sa Quezon City.
Sa ulat ni PO2 Romeo Niño II ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, ang bangkay ni Carlo Baladad, 29 ng Block 15 Lot 13, Gawad Kalinga, Sitio Ruby, Bgy. Fairview, Q.C. ay nadiskubre ng kanyang kinakasamang si Eugene Joy Soriano, dakong alas- 9:05 ng gabi na kagagaling lamang sa trabaho.
Naabutan ni Soriano ang biktima na nakabigti sa ki-same gamit ang nylon cord.
Mabilis na humingi ng tulong si Soriano sa kanilang kaanak at isinugod ang biktima sa Fairview General Hospital, pero idineklara din itong dead on arrival.
Wala ring nakitang mga sugat sa labas ng katawan ng biktima maliban sa marka sa kanyang leeg dulot ng pagkakabigti.
- Latest