^

Metro

NBI tumangging ilabas ang autopsy report sa 2 bangkay sa concert

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumanggi kahapon ang National Bureau of Investi-gation (NBI) na magbigay ng anumang detalye sa kung anong uri ng substance o kemikal ang naging sanhi ng kamatayan ng dalawa sa limang biktima na nasawi noong Mayo 21, sa open field party sa Mall of Asia (MOA) sa Pasay City.

Sa isang press confe-rence, sinabi ni Dr. Rommel Papa, hepe ng NBI-Forensic Investigation Service Division, na nasa stage pa lamang ng confirmatory test ang mga nakuhang samples sa labi ng mga isinalang nila sa awtopsiya na sina Bianca Fontejon at Lance Garcia kaya wala pa silang mailalabas na resulta ng imbestigasyon.

Hindi pa umano kumpleto ang isinasagawang pagsusuri ng mga toxicologists ng NBI matapos ang screening dahil ang confirmatory test ang pagbabatayan.

Tanging sinabi lamang ni Dr.  Papa na ang dahilan ng pagkamatay ng dalawa ay ‘Myocardial Infraction ‘ o ang kawalan ng suplay na dugo ng puso.

Maaring sa isang linggo ay maglabas na sila ng findings na makikita sa samples na kinuha mula sa dalawang bangkay.

Inaasahan din na maki­kipag-ugnayan ang NBI sa Philippine National Police para makipag-‘compare notes’ sa kani-kanilang im-bestigasyon.

Maliban kina Fontejon at Garcia, nasawi din sina Ken Migawa, 18; Ariel Leal, 22 at Eric Anthony Miller, 33, American national.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with