^

Metro

Ex OFWs, itinumba ng riding-in-tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) nang barilin habang abala sa pagkukumpuni ng motorsiklo, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Hernani  Icban, may live-in partner, at residente ng no. 1715 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, da- ­kong alas-11:20 ng gabi nang  barilin ang biktima sa harap ng kanyang  bahay habang abala  sa pagkukumpuni ng motorsiklo.

Ayon sa live-in partner nito na si Niña Jessica Sumook Angeles, lumabas ng bahay si Icban upang ituloy ang kanyang inaayos na motorsiklo habang siya ay abala naman sa pagpapa-tulog ng kanilang 2 buwang gulang na sanggol.

Makaraan ang ilang mi­nuto, narinig ni Angeles ang pagkakagulo sa labas ng kanilang bahay at may nagsabi sa kanya na binaril ang biktima.

Dito na nakita ni Angeles na nakabulagta at naliligo sa sariling dugo ang biktima.

Ilan sa mga nakakita ang nagsabi na dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo at nakasuot ng jacket ang lumapit at isa ang bumaril sa biktima.

Sinabi naman ni Ange­les na wala naman siyang alam na  kaaway ni Icban.

Nagsasagawa pa rin ng follow up investigation ang pulisya sa kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with