^

Metro

2 pusher patay sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang mi­yembro ng sindikato ng ili­gal na droga matapos na manlaban sa mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natukoy ang isa sa mga nasawi sa pangalang Ernesto Locsin, alyas Toto, may taas na 5”0, nasa pagitan ng 25-30, nakasuot ng itim na jacket at kulay asul na short; habang ang isa ay kinilala sa pangalang Boboy, may taas na 5’5, nasa edad na 25-30, nakasuot ng kulay gray na t-shirt, itim na short, at may tattoo na “Aladino” sa kanang braso.

Ayon sa pagsisiyasat ni PO2 Jim Barayoga, imbestigador, ang mga suspek ay naka-engkwentro ng mga tropa ng QCPD-Anti Illegal Drugs Special Task Group (DAIDSOTG) sa pamumuno ni P/Chief Insp. Enrico Figueroa sa isinagawang buy-bust operation laban sa grupong Joselito Gonzales Drug Group.

Sabi ni Barayoga, ang nasabing grupo ay naka-base sa Greater Lagro, No­valiches kung saan pa­ngu­nahing miyembro sina alyas Toto at alyas Boboy.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Quirino Highway malapit sa Sacred Heart Novitiate, Brgy. Greater Lagro sa lungsod, ganap na alas-2:30 ng madaling araw.

Ayon kay Barayoga, sa  pa­mamagitan ng isang police informant nagawang ma­­ki­­pag­transaksyon ng tropa ng DAIDSOTG sa suspek na si Toto na gustong magbenta ng halagang P100,000 shabu.

Mula dito, bitbit ni PO2 Noel Balleras, na nagpanggap na buyer ang marked money at ibinigay kay Toto. Nang malaman ng suspek na si Boboy na dala ng ka­sama ang pera ay dinala na nito ang shabu pero nang akmang iaabot ito kay PO2 Balleras ay napuna nito ang presensya ng mga operatiba sa lugar.

Sa puntong ito, nagpas­yang tumakas sina Toto at Boboy kasama ang isa pang hindi nakikilalang la­laki sa lugar sakay ng isang taxi (UVS-705) na nagresulta sa habulan hang­gang sa makorner ang mga ito sa naturang lugar.

Dito ay nagpakilalang mga pulis ang mga operati­ba, pero sa halip na sumuko ay pinaputukan sila ng mga suspek sanhi upang mauwi ito sa ing­kwentro.

Habang isinasagawa ang pagsisiyasat, isang Edgardo Ignacio, ang lumutang sa lugar na nagpakilalang may-ari ng taksi na ginamit ng mga suspek makaraang tangayin ito ma­tapos siyang holdapin sa may kahabaan ng Visayas Ave­nue, dakong ala-1:20 ng madaling-araw.

Samantala, narekober ng otoridad sa crime scene ang isang kalibre 357, at isang kalibre 38 baril,at mga basyo ng bala nito, gayundin ang dalawang malaking plastic sachet ng shabu. Ha­bang sa loob ng taksi ay narekober ang dalawang pi­raso ng uniporme ng pulis, apat na plastic sachet, isang plastic sachet ng shabu at P5,500.00 boodle money.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with